Archive

Archive for September, 2008

Paano nga ba?

September 27, 2008 kiko 1 comment

paano maging masaya?
naramdaman mo ba yon
galing sa nakalipas na buwan
o kanina lang bago bumangon
paano maging masaya?
talaga bang pahirapan na
at sadya pang mailap sa iba
o meron ka ngayong tinda

paano maging masaya?
pwede na bang may kausap
sabihing, ngiti naman dyan
kahit hindi naman apuhap
paano maging masaya?
mabigat ba kung magparamdam
at kusang lumapit ka
marahil sa trip kulang ka

paano maging masaya?
kailangan nga ba kita
sa oras na ganito kadilim
sigurado bang makikita
paano maging masaya?
naririnig mo ba ang salita
sadya kayang malayo
di kaya eh lagi ka nang abala

paano maging masaya?
kung sa isang simpleng galaw
at pagsisikap na abutin ka
katumbas naman ay isang babala
paano maging masaya?
nandito ka pa ba o wala
sadya bang naglaho
o talagang mahina lang ako sayo

Categories: Random Tags: ,