Yan lang ba ang kaya mo?
November 8, 2008
Leave a comment
Inagaw mo na kahapon ang ngiti ko. Hindi ka pa natuwa, inulit mo pa kanina.
Kasalanan ko din, hindi dapat ako umasa na titigil ka sa trip mo. Kapareho din ng paniniwalang wala kang gagawin para tapusin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ako naghihintay ng oras na magsawa ka, alam kong responsibilidad ko nang alamin kung kelan man yun.
Kung nasiyahan ka man, yan na ang premyo mo. Sana meron kang karamay para ipamahagi ang tamis ng trip mo. Swerte ng taong pipiliin mong pasayahin dahil dyan. Pakisabi na lang, “Congrats.”
Hindi ako magmamakaawa na tumigil ka. Tutal nababasa mo naman ang lahat bago pa man matapos tong tinatype ko, tutulungan kita ilabas: “Subukan mo yung mas malupet bukas, buhay pa ko.”

